DPWH, target makumpleto ang Puntian-Arakan road sa Mindanao
Patuloy ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Puntian-Arakan Road project sa Mindanao.
Target ng ahensya na makumpleto ang naturang proyekto, na makakapagbigay ng mas mabuitng access sa pagitan ng Central at Northern Mindanao, sa buwan ng Hunyo.
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, makakapagbigay ang P830.87-million project ng alternatibong connecting route sa Region 10 at Region 12 sa pamamagitan ng pagkonekta ng Kibawe, Bukidnon sa Arakan, Cotabato.
Base sa ulat mula kay Regional Director Basir Ibrahim, ipinaliwanag ng kalihim na ang isinasagawang 1.12-kilometer section nito ay nagkakahalaga ng P110 milyon, na pinondohan sa pamamagitan ng Fiscal Year 2021 General Appropriations Act (GAA).
“We are ensuring that the road is going to be completed in order to provide unhampered movement of goods and services as well as the delivery of government and private initiative extension programs for Mindanaoans,” saad ni Mercado.
Umabot na sa 91.8 porsyento ang total accomplishment rate ng naturang proyekto hanggang December 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.