25 patay, 17 sugatan sa suicide bombing sa southern Yemen

By Kathleen Betina Aenlle May 16, 2016 - 04:13 AM

 

Pinasabog ng isang suicide bomber ang kaniyang sarili sa pila ng mga pulis sa labas ng kanilang base sa lungsod ng Mukalla sa Yemen na ikinasawi ng 25 katao at ikinasugat ng hindi bababa sa 17 na iba pa.

Ayon sa mga health officials, inaasahang posible pang tumaas ang bilang ng mga nasawi sa pag-atake, na naganap araw ng Linggo.

Isang Yemeni extremist group na kaanib ng Islamic State group ang umako sa pag-atake sa pamamagitan ng post ng IS sympathizers sa social media.

Naganap ang pagsabog isang linggo lamang matapos ang isa pang pag-atake sa navy base sa Mukalla na ikinasawi ng hindi bababa sa anim na sundalo na pakana rin ng IS.

Ang mga pulis na nabiktima ay pawang mga kababalik lamang sa trabaho matapos mabawi ang Mukalla mula sa grupong kaanib ng al-Qaida na kumubkob dito sa loob ng mahigit isang taon.

Bukod sa kanila, mayroon ring mga nag-aapply ng trabaho bilang pulis na nabiktima sa pagpapasabog.

Napag-alaman na sinusubukan ng IS na makasakop ng teritoryo sa Yemen kung saan nagkaroon ng security vacuum sa karamihan sa mga lugar nito dahil sa umiiral na giyera ng mga Houthis laban sa gobyerno ni President Abed Rabbo Mansour.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.