Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa mundo, sumampa na sa higit 416.05 milyon
Pumalo na sa 416.05 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 416,057,035 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 79,639,934 cases.
Sumunod na rito ang India na may 42,723,558 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 27,664,958 naman ang kaso sa Brazil habang 21,877,555 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,393,951
– Russia – 14,480,596
– Turkey – 13,079,683
– Germany – 12,692,042
– Italy – 12,205,474
– Spain – 10,707,286
– Argentina – 8,766,174
– Iran – 6,860,255
– Colombia – 6,026,988
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,857,018 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 338,970,009 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.