Ilang SD cards ng Comelec-Kabankalan, sa dumpsite natagpuan

By Jay Dones May 15, 2016 - 11:06 PM

 

Mula sa Google

Kumpleto na ang lahat ng mga SD o Secure Digital cards ng Commission on Election sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ito’y makaraang matagpuan na ang tatlo pang SD memory cards ng poll body na nasa isang dumpsite.

Ipinaliwanag ni Kabankalan election officer Revo Sorbito na may tatlong SD cards ang naiwan sa karton ng isang election personnel habang ineempake ito upang ideliver sa provincial office ng Comelec.

Nagkataon naman na naitapon ang naturang kahon na naglalaman ng SD cards kasama ang iba pang basura .

Nagawa lamang marekober ang mga naturang cards nang magbigay ng P500 pisong pabuya ang Comelec-Kabankalan sa sinumang scavenger ang makakrekober ng mga naturang memory card.

Igiiniit din Sorbito na walang anomalya sa pagkakatapon ng SD cards dahil naiproklama na noong Martes pa ang nanalong kandidato sa lalawigan.

Nai-transmit na rin aniya ang resulta ng eleksyon sa central server ng Comelec bago ito aksidenteng naitapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.