2,010 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa
Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa 3,641,940 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 72,305 o 2.0 porsyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (February 15).
Sinabi ng kagawaran na 2,010 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
1,498 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 66,093 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,961 ang moderate, 1,441 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 52 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,146 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,293 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,514,489 o 96.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.