James Reid, dumanas ng minor accident habang nasa Las Vegas

By Mariel Cruz May 15, 2016 - 07:47 PM

Photograb mula sa IG account ng Viva Artist Agency
Photograb mula sa IG account ng Viva Artist Agency

Nakaranas ng minor accident ang Kapamilya hearthrob na si James Reid habang nasa Las Vegas kasama ang girlfriend na si Nadine Lustre para sa kick-off ng “Jadine High on Love” US tour.

Ayon sa ulat, tumama ang tuhod ni James sa hagdan ng sinasakyan nilang bus habang pinagkakaguluhan ito ng kanyang fans.

Nabatid na namaga ang tuhod ni James at inabisuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna.

Makikita naman sa larawan na ipinost ng Viva Artist Agency si James na nakasaklay at ang kanyang kanan binti ay nakabalot ng cast.

Dahil sa pangyayari, bigong makapunta si James sa isang meet and greet event na ikinagalit ng ilan sa kanilang tagahanga.

Samantala, ipinagtanggol naman ng stand-up comedian na si Chad Kinis si James sa mga nag-aakusa sa kanya na gumagawa lamang ito ng excuse para hindi na magpunta sa nasabing event.

Nanawagan din si Chad sa lahat ng fans ng Jadine na ipagdasal ang Kapamilya actor para sa agarang paggaling nito.

 

TAGS: james Reid, james Reid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.