P6.8-M halaga ng shabu, nasabat sa anti-drug ops sa Mandaue City, Cebu
Nasawi ang 27-anyos na drug suspect sa ikinasang anti-drug operation sa Mandaue City, Cebu noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang drug suspect na si Jomar Espinoza, residente ng Barangay Tejero sa Cebu City.
“ESPINOZA was killed after engaging arresting officers in a gunfight during the anti drug operation conducted by operatives of City Drug Enforcement Unit, Mandaue City Police Office at Purok Kiring, Brgy Casili, Mandaue City, Cebu,” pahayag ni carlos.
Unang nagpaputok ng baril si Espinoza at hindi natukoy na kasabwat laban sa mga awtoridad kaya’t nagkaroon ng engkwentro.
Dahil dito, nagtamo ng matinding tama ng bala si Espinoza at nang dalhin sa Eversley Child Sanitarium, idineklara ang drug suspect na dead on arrival.
Nakatakas naman ang kasabwat sakay ng motorsiklo.
Nagkasa na ang mga awtoridad ng manhunt operation upang mahanap ang kasabwat ni Espinoza.
Nakuha sa crime scene ang isang malaking heat-sealed plastic sachet at apat na plastic packs na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.
Narekober din ng mga awtoridad ang ginamit na buy-bust money, isang caliber .38 revolver, limang cartridge cases ng caliber 9mm, isang cartridge case ng caliber .38, isang backpack at helmet.
“Tayo ay patuloy na nananawagan sa ating mga kababayan na itigil na nila ang pagbenta ng iligal na droga sapagkat ito ay salot sa lipunan na sumisira ng buhay at kinabukasan,” dagdag ni Carlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.