Mahigit 100 na truck ng mga election material, nakolekta ng MMDA

By Isa Avendaño-Umali May 15, 2016 - 07:16 PM

campaign poster MMDA Public Information OfficeMahigit isang daang truck ng mga election material ang nakolekta na ng Metro Manila Development Authority o MMDA, mula nang mag-umpisa ang Oplan Baklas.

Ayon kay MMDA Metro Parkway Cleaning Group head Francis Martinez, mula noong February 9 hanggang May 11, aabot na sa 107 truckloads o katumbas ng 630 cubic meters na poll materials ang kanilang nahakot.

Mas mataas aniya ang bilang na nakolekta sa mga nabanggit na petsa, kumpara noong May 2013 elections.

Sinabi ni Matinez na sa operasyon nila noong May 10, nakakolekta ang MMDA ng pinakamaraming election materials na umabot sa 117 cubic meters o tatlumpu’t tatlong tonelada.

Nang sumunod na araw, nasa dalawampu’t dalawang tonelada naman ang nalikom ng MMDA.

Karamihan sa election materials gaya ng posters at tarpaulins ay mula sa mga lokal na kandidato, mula sa Quezon City at lungsod ng Maynila.

Ani Martinez, inaasahan ng MMDA na mahigit sa isang daang truck ng election material ang makokolekta ng kanilang mga tauhan hanggang sa pagtatapos ng Oplan Baklas sa May 30.

Wala rin aniyang tigil ang nasa 350 MMDA personnel na naglilibot sa buong Kalakhang Maynila para baklasin ang mga election material.

 

TAGS: #VotePH2016, mmda, Oplan Baklas, #VotePH2016, mmda, Oplan Baklas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.