Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng P300,000 halaga ng medical at oxygen equipment.
Donasyon ang naturang kagamitan ng Great Heart Charity Association, katuwang ang MAIMAI Info Tech, Inc.
Inabot ni Duke Jeong, ang Philippine Honorary Chairman ng Great Heart Charity Association, at Chairman ng MAIMAI Info Tech Inc. ang mga kagamitan at tinanggap ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos sa isinagawang turnover ceremony sa Camp Crame.
Layon nitong makapagbigay ng karagdagang tulong sa PNP General Hospital (PNPGH) at upang mapagbuti ang kalidad ng health services sa mga aktibong pulis at kanilang dependents.
Kabilang sa mga donasyon ng naturang organisasyon ang 10 XNUO M9 Oxygen Concentrators na tinatayang nagkakahalaga ng P306,188.80.
“We are very grateful to our stakeholders for their continuing support to the PNP especially on our medical and health needs. The donation is indeed a great help to PNPGH especially in combating the Covid-19,” pahayag ni Carlos.
Dinala na ang mga kagamitan at medical supplies sa iba’t ibang ward at section ng PNPGH.