Higit 7,000 balikbayans, foreign tourists pumasok sa ‘pagbubukas’ muli ng Pilipinas

By Jan Escosio February 15, 2022 - 12:00 PM

 

Inanunsiyo ng Department of Tourism (DOT) na higit 7,000 banyaga ang pumasok nang magbukas muli ang Pilipinas noong nakaraang Pebrero 10.

Ayon kay Tourism Secretary Berna Puyat malaking tulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ang pagpasok muli ng mga banyaga sa Pilipinas.

Paliwanag naman nito, sa nabanggit na 7,051 banyaga, 45 porsiyento ang Filipino balikbayan at ikinukunsidera silang banyaga dahil gamit nila ay foreign passports.

Muling nagbukas ang bansa sa mga mamamayan ng 157 bansa na may visa-free arrangement sa gobyerno ng Pilipinas.

Mayorya ng mga dumating ay mula sa US, Canada, Australia at United Kingdom at may mga nauna ng mula sa Japan at South Korea.

Ngayon makakapasok na sa bansa ang mga banyaga na fuilly vaccinated at may negative RT-PCR test result na kinuha sa nakalipas na 48 oras.

TAGS: balikbayan, COVID-19, foreign tourists, news, Radyo Inquirer, Tourism Secretary Berna Puyat, balikbayan, COVID-19, foreign tourists, news, Radyo Inquirer, Tourism Secretary Berna Puyat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.