Alfredo Lim, gusto ng recount ng boto sa Maynila

By Isa Avendaño-Umali May 15, 2016 - 06:37 PM

Erap and Lim dot netHinihimok ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ang Commission on Elections o Comelec na magsagawa ng recount sa mga boto sa mayoralty race sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Lim, sa darating na Miyerkules (May 18) ay maghahain ng petisyon ang kanyang kampo para igiit ng recount.

Si Lim ay tinalo ni incumbent Manila Mayor Joseph Estrada sa nakalipas na May 09 elections.

Aabot lamang sa 2,600 votes ang lamang ni dating Pangulong Erap kay Lim.

Sinabi ni Estrada na nagulat siya sa kanyang reelection, lalo’t may mga nasagasaan siya dahil sa pagtaas ng real property taxes sa lungsod.

Nauna nang nanawagan si Lim ng recount, sa pamamagitan ng Change.org.

Sa RECOUNT Manila Votes 2016, pinalalagdaan ni Lim sa mga netizen ang isang petisyon para mapalakas ang kanyang hirit na magkaroon muli ng bilangan sa botohan.

 

TAGS: #VotePH2016, alfredo lim, manila mayor joseph estrada, #VotePH2016, alfredo lim, manila mayor joseph estrada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.