BBM-Sara UniTeam sortie sa Maynila sa Pebrero 20 kasado na- Atty. Alex Lopez

By Chona Yu February 15, 2022 - 09:37 AM

Photo credit: former Sen. Bongbong Marcos/Facebook

Todo paghahanda na ang ginagawa ngayon ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez para sa UniTeam sortie nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa Pebrero 20.

Ayon kay Lopez, kailangan ng puspusang paghahanda dahil sa tiyak na dudumugin ito ng mga taga-suporta nina Marcos at Duterte.

“Ayaw din nating mapagbintangan ng ating mga kalaban sa mayoralty race na tayo pa ang ‘pasimuno’ sa pagkalat ng COVID-19 o akusahan na ginawa natin na isang ‘super spreader’ ang okasyon,” pahayag ni Lopez.

Hindi maikakaila ayon kay Lopez na patuloy na nangunguna ang tambalang Marcos-Duterte.

Inihalimbawa ni Lopez ang proklamasyon ng UniTeam sa Philippine Arena sa Bulacan noong Pebrero 8 kung saan aabot sa 55,000 katap ang dumalo at kinilala bilang ‘world’s biggest indoor arena.’

Si Lopez ang inindorsong kandidatong alkalde ng Marcos-Duterte sa lungsod ng Manila.

Dahil pa rin sa banta ng pandemya, sinabi pa ni Lopez na binabalak nilang gawin ang pagbisita ng BBM-Sara UniTeam sa lugar ng Tondo “dahil isa itong makasaysayang lugar” o kaya naman magkaroon na lang ng motorcade sa buong Maynila.

Bago pa man ang okasyon, nananawagan na si Lopez sa mga Manilenyo na mahigpit na sundin ang mga ‘health protocols’ ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 katulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at regular na paggamit ng alkohol.

“Alam naman natin na sa dami ng mga nagmamahal at sumusuporta kay BBM at Mayor Sara, baka hindi maiwasan ang magsiksikan kaya ngayon pa lang nakikiusap na tayo sa mga Manilenyo na magtulungan tayo. Gawin nating masaya pero ligtas ang ano mang pagtitipon,” pahayag ni Lopez.

 

TAGS: Atty. Alex Lopez, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, UniTeam, Atty. Alex Lopez, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, UniTeam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.