Nasa low risk sa COVID-19 transmission na ngayon ang Pilipinas.
Ito ang iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Sa Talk to the People kagabi, Pebrero 14.
Ayon kay Duque, nakapagtala ang bansa ng -74 percent na growth rate sa nakalipas na dalawang linggo habang ang daily attack rate ay nasa 5.26 per 100,000 individuals na lamang.
Sinabi pa ni Duque na nasa low risk classification na rin ang lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Region 11, Cordillera Administrative Region, Region 6, at Region 12 na nasa moderate risk.
“So maganda po ang sinasabi po nito, Mr. President, we are able to manage our cases and our health systems capacity is very much prepared for any eventuality na kung magkaroon na naman ng saka-sakaling pagtaas, makikita po natin ang laki po ng ating excess at ang baba po ng ating utilization rate,” pahayag ni Duque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.