Bigtime South Korean, Taiwanese drug dealers arestado

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang South Korean ay Taiwanese national na pinaghahanap dahil sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa ulat ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ang puganteng South Korean na si Choi Sungeun, 44-anyos, sa kaniyang hotel room sa Barangay Tramo sa Pasay City.

Nahuli si Choi sa bisa ng warrant of deportation na inilabas ni Morente alinsunod sa deportation order ng BI Board of Commissioners dahil sa pagiging undesirable alien noong 2019.

Itinuturing na rin ang naturang dayuhan bilang undocumented alien matapos kanselahin ng South Korean government ang pasaporte nito.

Sinabi ni BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy na nahaharap si Choi sa kasong may kinalaman sa trading psychotropic substances, na paglabag sa narcotics control act ng naturang bansa.

Lumabas sa record ng BI na nagtago na si Choi sa Pilipinas simula nang dumating sa bansa noong May 2017. Simula nito, hindi na umabot ng Pilipinas ang naturang dayuhan.

Ayon pa kay Sy, naaresto rin si Tsai Tsung-Yu alyas “Cai Zong-You,” 26-anyos na Taiwanese national, sa Tambo, Paranaque City.

Ipinaalam ng Taiwanese authorities na may kinakaharap si Tsai na warrant of arrest dahil sa drug trafficking.

Isa na ring overstaying alien si Tsai makaraang mapaso ang visa noong nakaraang taon.

Kapwa nakakulong sina Choi at Tsai sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation.

Kasama na rin ang dalawang dayuhan sa blacklist ng BI.

Read more...