Shear line, Amihan magdadala ng mahinang pag-ulan sa ilang parte ng bansa

By Angellic Jordan February 14, 2022 - 06:44 PM

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na iiral ang shear line at Northeast Monsoon o Amihan sa ilang parte ng bansa.

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang shear line sa Cagayan Valley at Aurora sa Lunes ng gabi.

Asahan namang makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan, maliban sa pulo-pulong pag-ulan sa natitirang bahagi ng Northern Luzon dulot ng Amihan.

Makararanas din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap na papawirin, lalo na sa hapon at gabi.

Wala namang binabantayang low pressure area o LPA at bagyo ang weather bureau sa loob at labas ng bansa.

TAGS: #weatheradvisory, amihan, InquirerNews, NortheastMonsoon, Pagasa, RadyoInquirerNews, shearline, weatherupdate, #weatheradvisory, amihan, InquirerNews, NortheastMonsoon, Pagasa, RadyoInquirerNews, shearline, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.