Senatorial candidate Greco Belgica: “Kung hindi dahil kay late President Marcos wala ako dito”
Malaki ang utang ng loob ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica sa pamilya Marcos, partikular na sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Belgica, na kabilang sa senatorial aspirants, kung hindi nabigyan ng Presidential pardon ang kanyang ama na si Grepor Belgica, maaring wala siya sa mundo ngayon.
Hindi itinanggi ni Belgica na noong dekada 60, kilabot ang kanyang ama sa batas dahil sa edad 16 ay nakulong na ito at lalo pa siyang nakilala sa loob sa 12 taon niyang pagkakakulong.
Nagbago lang aniya ang ama nang makilala nito ang kanyang ina.
“Na-inlove ang father ko, nagbago, and wanted to change his life. My dad maintained good behavior and accomplished a lot as an inmate. He was appointed as Task Force Chief in Iwahig Penal Colony and brought together warring gangs, ultimately persuading a bevy of gang members to leave their tribes and come together as one. And then he wrote to President Marcos and asked to be given a second chance in life,” kuwento nito.
Magugunita naman na ang nakakabatang Belgica ay kabilang sa mga nagpetisyon noong 2013 sa Supreme Court na lusawin ang ‘pork barrel.’
Sa pamumuno naman sa PACC, ilan lamang sa ibinunyag ni Belgica ay ang P741.53-million Yolanda housing anomaly at P153.7-billion PhilHealth anomaly.
Bukod pa dito, naipakulong niya ang 24 kawani ng gobyerno dahil sa korapsyon at 800 opisyal naman ang napasibak niya sa puwesto.
Inaksyunan din nito ang 13,000 ulat ng korapsyon at 9,000 reklamo ukol sa Social Amelioration Program (SAP).
Nabanggit din nito na kung ang kanyang ama ay malaki ang utang ng loob sa yumaong Pangulong Marcos, siya naman ay labis-labis na nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa pagtitiwala sa kanya.
“Siya ay nilagay ko sa anti-corruption commission at marami ang trabaho niya. Hindi ito mayabang, hindi ito mahangin. Marami ‘yang alam kaya nilagay ko siya sa posisyon na delikado — delikadong mabili, delikadong matakot. Hindi ‘yon, hindi siya,” ang mensahe ni Pangulong Duterte sa pagkilala sa mga nagawa ni Belgica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.