Pilipinas, nakapagtala ng 2,730 na bagong kaso ng COVID-19; 7,456 ang gumaling
Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa 3,639,942 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 76,609 o 2.1 porsyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (February 14).
Sinabi ng kagawaran na 2,730 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
2,310 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 69,574 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,970 ang moderate, 1,443 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 164 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,094 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,456 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,508,239 o 96.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.