Reopening ng Star City, tuloy na sa February 24

By Angellic Jordan February 14, 2022 - 03:45 PM
Photo credit: Star City/Facebook

Tuloy na ang muling pagbubukas ng sikat na amusement park na Star City.

Ayon sa pamunuan ng Star City, magbubukas na sila sa publiko simula sa February 24.

Maaring makapaglibang at ma-enjoy ang mga ride nito tuwing Huwebes hanggang Linggo mula 12:00 ng tanghali hanggang 8:00 ng gabi.

Maaring makabili ng Star Pass Ticket sa kanilang website na: https://starcity.com.ph/ o sa mismong Star City Ticket Booths.

Matatandaang naantala ang pagbubukas ng Star City noong January 14 dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na COVID-19 restrictions kasunod ng naranasang surge dulot ng Omicron variant.

TAGS: InquirerNews, lifestyle, RadyoInquirerNews, StarCity, StarCity2022, InquirerNews, lifestyle, RadyoInquirerNews, StarCity, StarCity2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.