Umarangkada na ang COVID-19 mobile vaccination drive para sa commuters at transport workers sa Quezon City.
Magkatuwang sa naturang programa ang Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO).
Isasagawa ang apat na araw na aktibidad sa chapel ng LTO Central Office sa East Avenue mula February 14 hanggang 17.
Magiging bukas ang naturang bakunahan bandang 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Target nitong makapagbigay ng 500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine kada araw upang makatulong sa vaccination rollout ng gobyerno sa bansa.
Gagawing prayoridad sa vaccination drive ang pagbibigay ng booster doses, ngunit magiging bukas din ito para sa first at second doses.
Payo naman sa walk-in vaccinees, magparehistro mismo sa LTO Chapel.