Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 412.25 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 412.25 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 412,255,667 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 79,325,576 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,664,712 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 27,483,031 naman ang kaso sa Brazil habang 21,708,827 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,306,859
– Russia – 14,133,509
– Turkey – 12,908,321
– Germany – 12,387,078
– Italy – 12,105,675
– Spain – 10,604,200
– Argentina – 8,734,551
– Iran – 6,806,265

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,834,293 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 332,803,991 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...