3,792 na bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa Pilipinas
Mahigit 3,000 muli ang bagong napulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa 3,634,368 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 84,229 o 2.3 porsyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (February 12).
Sinabi ng kagawaran na 3,792 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
3,016 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 76,487 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,971 ang moderate, 1,443 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 76 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,930 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,662 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,495,209 o 96.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.