Mid-year bonus ng government employees, ilalabas na ng DBM bukas, araw ng Lunes

Department-of-Budget-and-Management-DBM-logoIlalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mid-year bonus ng mga nagta-trabaho sa gobyerno sa Lunes.

Ayon sa DBM, naibigay na nila sa iba’t ibang government agencies ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation para sa mid-year bonus.

Nagkakahalaga ng 31 billion pesos ang pondo na inilaan para sa nasabing bonus.

Sa ilalim ng Executive Order No. 201, ipinagkaloob ni Pangulong Aquino ang mid-year bonus na nagkakahalaga ng isang buwan na sweldo sa lahat ng civilian at uniformed personnel ng gobyerno.

Makakatanggap ng mid-year bonus ang mga empleyado na nasa serbisyo na sa loob ng apat na buwan o higit pa simula noong July 2015 hanggang may 15, 2016.

Ngunit paalala ng DBM, lahat ng goverment agencies ay kailangan magsagawa ng performance evaluation sa kanilang mga empleyado dalawang beses sa isang taon.

 

Read more...