Bilang ng nabakunahang bata laban sa COVID-19, umabot na sa 52,262
Kasado pa rin ang pagbabakuna ng gobyerno sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang.
Sa Laging Handa public briefing, iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa kabuuang 52,262 bata ang naturukan ng COVID-19 vaccine.
Mula sa nasabing bilang, apat na bata lamang aniya ang nakaranas ng side effect.
“All of those were minor. Meron pong nagpantal, meron hong sumakit ang ulo, at ito naman po ay agad po nating na-manage at nakauwi naman po ang ating mga kabataan,” pahayag ni Vergeire.
Inaasahan aniyang ikakasa na ang vaccination drive sa nasabing age group sa iba pang parte ng bansa.
Uunahin aniya ang malalaking lugar sa bansa, kabilang ang Region 7, 11, at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.