Tauhan ng Smartmatic na nagpalit ng script sa transparency server, hindi dapat payagan makalabas ng bansa
Hindi umano dapat payagan na makalabas ng bansa ang tauhan ng Smartmatic habang iniimbestigahan ang pagpapalit nito ng script sa transparency server na naglalabas ng unofficial results ng May 9 elections.
Ito ang sinabi ni Commission on Elections Commisioner Rowena Guanzon kasabay ng pahayag na gagawa siya ng memorandum bukas, araw ng Lunes para sulatan ng en banc ang Smartmatic President na huwag paalisin si Smartmatic project director Marlon Garcia pati na ang ibang mga kasamahan nito.
Hihingin din aniya kaagad nila sa COMELEC en banc na magbigay ng petsa ng imbestigasyon.
Si Garcia ang tinukoy na gumalaw sa transparency server gabi ng election day.
Una nang ipinaliwanag ni Garcia na ang ginawa niya ay isa lamang minor cosmetic change na nagtama sa question mark na lumalabas sa letrang “ñ.”
Sinabi pa ni Guanzon na akala yata ni Garcia na sa kanya ang programa ng transparency server gayung empleyado lamang naman siya ng Smartmatic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.