Mobile COVID-19 vaccination drive ikakasa para sa commuters, transport workers sa LTO
Magkakasa ang Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office-Philippines (LTO), ng mobile COVID-19 vaccination drive para sa commuters at transport workers.
Isasagawa ang naturang programa na tinawag na “We Vax as One: Mobile Vaccination Drive” sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City simula February 14 hanggang 17, 2022.
Magiging bukas ang four-day vaccination activity sa LTO Chapel mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Target nitong makapagbigay ng AstraZeneca COVID-19 vaccine doses kada araw.
Gagawing prayoridad sa vaccination drive ang pagbibigay ng booster doses, ngunit bukas din ito sa first at second doses.
Inabisuhan ang walk-in vaccinees na magpa-register onsite sa LTO Ground Floor.
Matatandaang naging matagumpay ang kahalintulad na aktibidad ng mga ahensya sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong nakaraang buwan, kung saan 1,361 transport workers at commuters ang nabigyan ng bakuna mula January 24 hanggang 28, 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.