Mga pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa 5.82 milyon

AFP photo

Lagpas 5.82 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,820,379 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 942,006.

Sumunod na rito ang Brazil na may 637,232 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 508,012 naman ang death toll sa India habang 338,813 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 312,118
– Peru – 207,737
– United Kingdom – 159,351
– Italy – 150,555
– Indonesia – 144,958
– Colombia – 136,764
– France – 134,536
– Iran – 133,437
– Argentina – 123,859
– Germany – 120,411
– Poland – 107,757
– Ukraine – 102,403

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 408,797,977 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 328,682,644 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...