Russian government, tatanggapin na ang crypto bilang isang uri ng currency sa bansa
Nagkasundo na ang Russian government at ang central bank ng bansa kung paano tatanggapin ang Bitcoin at iba pang cryptocurrencies bilang isang uri ng pera sa bansa.
Nangyari ito isang buwan matapos ang panukala ng Russian central bank na magkakaroon ng ban sa paggamit at pagmimina ng cryptocurrencies.
Paliwanag nito, maaring magkaroon ng banta sa financial stabilty, kapakanan ng mga mamamayan, at monetary policy ng bansa.
Ngunit, nagkaroon ng 180-degree turn sa desisyon ng Russia hinggil sa cryptocurrencies.
Sinisimulan na ng mga awtoridad sa Russia ang panukalang batas na inaasahang lalabas sa ika-18 ng Pebrero.
Sa ilalim ng naturang panukala, tatawaging “Analogue of Currencies” ang cryptocurrencies at hindi Digital Financial Assets (DFA).
Sa ngayon, maari lamang gamitin ang mga crypto sa legal sector at kinakailangang dumaan sa banking sytem at licensed intermediaries ng bansa.
Lahat ng mga transaksyon na lalagpas sa 600,000 Russian ruble o humigit P400,000 ay kinakailangang deklarado sa gobyerno.
Sinumang lumabag sa nasabing probisyon ay maaring masampahan ng kasong kriminal.
Sa ngayon, iba’t ibang bansa sa buong mundo ang nag-aaral na magkakaroon ng ban o integration para sa cryptocurrencies sa kani-kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.