3,788 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa
Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa 3,630,637 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 91,147 o 2.5 porsyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (February 11).
Sinabi ng kagawaran na 3,788 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
3,261 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 83,145 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,986 ang moderate, 1,443 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 72 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,854 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,652 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,484,636 o 96.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.