Ikatlong ‘Bayanihan, Bakunahan’ pinalawig hanggang February 18
Pinalawig ng gobyerno ng ikatlong ‘Bayanihan, Bakunahan’ hanggang February 18.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje na layon nitong makapagbigay pa ng panahon sa publiko na makatanggap ng bakuna para sa COVID-19.
“Para bigyan natin ng mas maraming panahon ‘yung ating publiko para makapag-avail ng first dose, second dose, at saka ‘yung kanilang booster [shot] para kumpleto ang ating proteksyon [laban sa COVID-19],” paliwanag nito.
Aniya, pag-aaralan kung bakit mababa ang turnout sa ibang lugar sa bansa.
Ani Cabotaje, kakabalik pa lamang ng healthcare workers sa ilang lugar na nagkasakit sa nakahahawang sakit o kinailangang sumailalim sa quarantine.
“Pinapatignan din natin sa iba’t ibang lugar baka hindi pumunta ‘yung ating mga kailangang magbakuna sa mga health center. Tignan nila, baka ‘yung health center o bakuna center ang ilapit sa mga mamamayan,” saad nito.
Panawagan ni Cabotaje, magpabakuna na laban sa COVID-19 upang magkaroon ng karagdagang proteksyon para sa pamilya at publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.