PCG personnel, libre nang makakasakay sa LRT-2

By Angellic Jordan February 11, 2022 - 02:06 PM

PCG photo

Maari nang makapag-avail ang Philippine Coast Guard (PCG) commissioned officers, enlisted personnel, at civilian employees ng libreng sakay sa lahat ng istasyon sa linya ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sa mga istasyon mula Antipolo, Rizal hanggang Recto Avenue, Manila, kailangan lamang magpakita ng government-issued identification cards ng PCG personnel.

Ito ay matapos pumirma sina dating PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo Laroya at LRTA Administrator Jeremy Regino sa isang memorandum of agreement ukol sa ugnayan ng dalawang ahensya para matiyak ang public transport safety and security sa National Capital Region (NCR) noong February 7.

Sa ilalim ng MOA, magpapatupad ng PCG ng security measures sa mga LRT-2 station sa pamamagitan ng pagtatalaga ng security teams upang asistihan ang LRTA sa pagsasagawa ng emergency drills sa train employees, security personnel, at commuters.

Magpapakalat din ng PCG K9 dogs at handlers upang matulungan sa pagsasanay ang security guards sa pagpapatrolyo at security measures sa LRT-2 stations sa panahon ng emergency o anumang krisis.

Maliban dito, ide-deploy din ang Coast Guard Medical Service para makapagsagawa ng RT-PCR tests sa LRTA employees, maintenance, at utility personnel.

Maari na ring makapag-avail ang PCG ng in-train passenger information system para maipaalam sa mga commuter ang mga plano, programa, at proyekto ng organisasyon.

Samantala, manunumpa naman ang mga opisyal ng LRTA bilang miyembro ng PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron kung saan susuportahan ang ahensya sa mga humanitarian assistance and disaster response operation.

Pumayag ang PCG at LRTA na maging epektibo ang naturang MOA sa susunod na tatlong taon, maliban na lamang kung bawiin.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, LRTA, MaritimeSectorWorks, PCG, RadyoInquirerNews, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, LRTA, MaritimeSectorWorks, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.