Weekend road reblocking, isasagawa sa ilang kalsada sa EDSA
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang pangunahing kalsada sa EDSA sa weekend.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (February 11).
Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Quezon City New York hanggang Kamuning (3rd lane mula sa sidewalk at service road)
2. EDSA Caloocan Southbound sa pagitan ng Benin St. hanggang B. Serrano St. (4th lane mula sa sidewalk)
Maari namang nadaanan ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw, February 14.
Inabisuhan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.