Marcos at Robredo, maghahandog ng sari-sariling misa ngayong araw ng Linggo
Maghahandog ng sari-sariling misa ang dikit na magkalaban sa vice presidential race na sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ngayong araw ng Linggo.
Batay sa imbitasyon ng campaign team ni Robredo, magaganap ang thanksgiving mass ng kanilang kampo sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University campus sa Quezon City mamayang alas tres ng hapon.
Ayon sa kampo ng mambabatas, ang misa ay para sa naging mapayapa at matagumpay na eleksyon ngayong taon.
Samantala, ang kampo naman ni Marcos ay maghahandog ng misa sa Baclaran Redemptorist Church sa Parañaque City mamayang 12:30 ng tanghali.
Inaanyayahan ng kampo ni Marcos ang publiko na dumalo at makisalo sa nasabing misa.
Batay sa partial and unofficial tally of votes para sa bise presidente, patuloy pa rin ang pangunguna ni Robredo bagay na tinututulan ni Marcos dahil sa akusasyon nito sa Liberal Party na pandaraya.
Una nang nanawagan ang kampo ni Marcos sa Commission on Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting na itigil na ang quick count.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.