Valentine’s leave: Mga single na empleyado ng Jose Abad Santos gov’t, bibigyan ng allowance para makapag-date sa Feb. 14

Photo credit: Mayor Jason John Joyce/Facebook

“May date na ba lahat?”

Ito ang naging tanong ni Jose Abad Santos, Davao Occidental Mayor Jason John Joyce sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa naturang bayan.

Aniya, may ilang araw pa para makapaghanap ng date.

Dahil ayon sa alkalde, papayagang makapag-leave ang mga single na empleyado.

Malliban dito, makakatanggap pa ng P2,000 allowance para makapag-date sa Valentine’s Day sa Lunes, February 14.

“I will allow you to go on leave on Valentine’s day with DATE ALLOWANCE in the amount of P2,000.00,” saad ni Joyce.

Ngunit bago maaprubahan ang leave at mabigyan ng allowance, kailangan munang makapagsumite ng ilang requirements.

“Proof na may ka-date ka (chat or text), hindi mo pa boyfriend or girlfriend ang ka-date mo, wala kang boyfriend or girlfriend, at siyempre dapat wala kang asawa, at picture of your actual date upon return to work on Feb. 15,” saad ng alkalde.

Read more...