Bongbong Marcos, nagpasalamat kay Toni Gonzaga para sa pag-host ng proclamation rally
Nagparating ng pasasalamat si Presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa aktres at TV host na si Toni Gonzaga-Soriano sa pag-host ng Uniteam proclamation rally sa Philippine Arena sa Bulacan noong February 8.
“Taos pusong pasasalamat kay Toni Gonzaga-Soriano sa pagiging host ng Uniteam Proclamation Rally,” saad ni Marcos sa Facebook.
Dagdag nito, “Isang makasaysayang gabi na hindi namin malilimutan ni Mayor Inday Sara kapiling ang aming mga tagasuporta, pamilya, kaibigan at mga nanindigan para sa ating samahan ng pagkakaisa – gaya mo Toni.”
Sagot naman ni Gonzaga sa kanyang Instagram story, “You’re welcome my President @bongbongmarcos.”
Patuloy na nakakatanggap ng mga kritisismo si Gonzaga dahil sa pagsuporta sa kandidatura sa anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasunod nito, inanunsiyo ni Gonzaga ang pagbibitiw bilang main host ng reality TV show na “Pinoy Big Brother” noong Miyerkules ng hapon, February 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.