Drone operations sa bansa, pinaiimbestigahan sa Kamara

By Angellic Jordan February 10, 2022 - 01:55 PM

Pinaiimbestigahan ni House Committee on People’s Participation Chairperson at San Jose del Monte Rep. Rida Robes ang estado ng “drone operations” sa bansa.

Mayroon kasing mga napaulat na paggamit sa drona sa mali o ilegal na paraan.

Sa House Resolution 2473, nais ng kongresista na maimbestigahan ito ng House Committee on Transportation para makagawa ng batas o marepaso ang mga patakaran sa operasyon ng mga drone.

Sa ganitong paraan, mabibigyang proteksyon ang karapatan sa “privacy,” kaligtasan at seguridad ng publiko.

Batay sa resolusyon, may mga ipinatutupad namang panuntunan at regulasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ukol sa paggamit ng mga drone.

Kabilang dito ang hindi pagpasok ng mga drone sa mga pribadong lugar o “populated zones” gaya ng subdivisions at residential areas nang walang kaukulang permiso.

Ani Robes, may ilang ulat na may drone operations na lumalabag sa pribadong buhay ng ilang grupo o indibidwal.

Mayroon ding report ng “robbery” o nakawan na naisasakatuparan sa tulong ng paglilipad ng drones.

Nababahala rin ang mambabatas na magamit ang mga drone sa “political partisanship” sa kasagsagan ng eleksyon.

TAGS: 18thCongress, drone, DroneOperations, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RidaRobes, 18thCongress, drone, DroneOperations, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RidaRobes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.