Moreno, handang i-adopt ang mga kandidatong senador na hayagang sumusuporta sa Moreno-Ong tandem
Bukas si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na i-adopt ang mga kandidatong senador na hayagang sumusuporta sa kanyang kandidatura at sa kanyang ka-tandem na si Doctor Willie Ong.
“Well, hindi kami tatanggi sa tutulong sa amin. Napagkasunduan na namin ‘yun. May isa lang kaming rule –kailangan ‘yung sasali sa aming senador kailangan sasabihin nila sa publiko na kami ang kandidato nila,” pahayag ni Moreno.
Nanindigan si Moreno na dapat na isang kandidato lamang sa pagka-pangulo ang iindorso ng isang kandidatong senador.
Matabang ang panlasa ni Moreno sa isang kandidato sa pagka-senador na maraming sinasalihang partido.
Panloloko kasi aniya ito sa taong bayan.
Inihalimbawa pa ni Moreno ang sarili nang tumakbong senador noong 2016 sa ilalim ng partido ni Senador Grace Poe at inimbita ng ibang partido pero tinanggihan niya ito.
“Hindi naman sarado, wala pang guest candidate. I have to be fair pag dumarating sila. Dumating silang tao so tao rin namin silang tinuturing kasi kahit naman hindi tayo nakapag-aral sa tamang panahon marunong naman tayong makipag-kapwa tao. ‘Yun ang mahalaga. Maiparamdam natin sa kanila na dilaw, pula, o sino pa pwede naman namin kayong makasalamuha pero kami as of today ang kandidato ko na vice president ay si Doc Willie, ang kandidato ko na senador si Samira Gutoc, si Jopet Sison, at si Carl Balta. Lahat wine-welcome namin, lahat ng gustong tumulong sa amin, thank you very much. Ang pobre hindi nakakapamili masyado,” pahayag ni Moreno.
Sa ikalawang araw ng campaign period, nagtungi si Moreno sa Rodriguez, Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.