Soft at hard copy ng COC, pagkukumparahin ng Comelec

By Erwin Aguilon May 14, 2016 - 08:16 PM

comelec erwin
Larawan mula kay Erwin Aguilon

Bumuo ngayon ang Commission on Elections enbanc ng sub-committee na siyang magbeberipika ng mga soft at hard copy ng mga certificate of canvass na nakarating sa National Board of Canvassers.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, titingnan ng nasabing komite kung mayroong pagkakaiba sa mga hard printed copies na dinala sa NBOC at ikumpara sa generated certificate of canvass at statement of votes galing sa mga munisipalidad o mga soft copy na nakarating sa server ng Comelec. Ito ayon kay Lim ay upang malaman kung may mga munisipalidad na hindi nakasama sa ipinadalang Certificate of Canvass.

Kabilang sa mga isasalang sa review ayon kay Lim ay ang mga COC na kinukuwestyon bago ito i-admit ng NBOC partikular ang mula sa mga lalawigan ng Benguet, Ilocos Sur, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Nueva Ecija at Iloilo.

Sisimulan anya ng binuong komite ang pagre-review ng nasabing mga dokumento bukas ng umaga. Bibigyan naman ng pagkakataon ang mga kinatawan ng mga tumakbong senador at partylist group na matingnan ang mga printed COCs gayundin ang hard copy nito at statement of votes mula sa iba’t-ibang bayan.

Ito rin ayon kay Lim ay para lamang i-double check ang accuracy ng mga certificate of canvass na kanilang binibilang.

TAGS: COC, comelec, Erwin Aguilon, COC, comelec, Erwin Aguilon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.