Senator Bongbong Marcos, nagpasalamat sa kanyang mga taga-suporta

By Rod Lagusad May 14, 2016 - 03:44 PM

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Pinsalamatan ni Senator Bongbong Marcos ang kanyang mga naging volunteers at mga supporters sa pagbibigay ng oras at pagsisikap na masiguro ang isang malaya, tapat at may kredibilidad na eleksyon.

Sinabihan ni Marcos ang Commission on Elections (COMELEC) na ipatitigil ang on-going quick count ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) matapos ang mga ulat na may panibagong script na inilagay sa transparency server ng nasabing poll body na nagpabago sa hash codes ng walang pahintulot mula sa mga opisyal ng Comelec kung saan dito sinasabing nagsimula na maungusan si Marcos sa pangunguna sa Vice Presidential race. Ayon pa kay Marcos, may 555 VCMs pa mula sa mga polling precincts sa Middle East at Africa ang nakatakdang magtransmit ng resulta ng botohan habang 310 naman sa North at Latin America at 152 mula sa Europe. Dagdag pa ni Marcos, ang mga nabanggit na VCMs ay kumakatawan umano sa 980,000 na mga rehistradong botante at may karagdagang pang 333 na VCMs mula sa Lanao del Sur, 207 sa Surigao del Sur, 158 sa Maguindanao at 160 sa Sulu ang inaasahang makapag-transmit ng mga boto. Patuloy namang kinukniumpirma ng kampo ni Marcos ang mga pumapasok na resulta.

TAGS: comelec, Election 2016, Ferdinand Marcos Jr., PPCRV, comelec, Election 2016, Ferdinand Marcos Jr., PPCRV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.