Mga kandidato sa 2022 elections, dapat dumalo sa mga debate – PPCRV
Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na dapat dumalo ang lahat ng kandidato sa 2022 elections sa mga debate, lalo na ang mga ioorganisa ng Commission on Elections (Comelec).
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni PPCRV Chairman Emeritus, Ambassasor Henrietta De Villa na sa pamamagitan ng debate at interview, maipiprisinta ng mga kandidato ang kanilang plataporma.
Ito lamang aniya ang oportunidad ng mga kandidato para ipaalam sa mga botante kung ano ang kanilang mga plano sa bansa sakaling manalo sa 2022 elections.
Ani De Villa, makikilala kasi ng mga botante ang kakayahan ng mga kandidato base sa pagsagot ng mga katanungan.
Wala aniyang dapat ipangamba ang mga kandidato kung walang itinatago sa publiko.
Kasabay nito, hinikayat din ng election watchdog official ang mga botante na manood at makinig ng mga debate at interview para malaman kung gaano ka-totoo ang mga kandidato sa kanilang hangarin sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.