As of 9:55 am, si Gordon ang nangunguna sa overseas voting sa senatorial race na may 101, 756 votes habang kasunod naman si Senator Francis Pangilinan na may 92,204 votes.
Kabaliktaran ito ng unofficial tally ng mga boto sa Pilipinas kung saan sina Senate President Franklin Drilon at TESDA Chairman Joel Villanueva ang mga nangunguna.
Kasama din sa Magic 12 sa overseas voting ay sina Panfilo Lacson na may 83, 105 votes, Franklin Drilon na may 82,958 votes, Ralph Recto na may 82,081 votes, Manny Pacquiao na may 80,174 votes at Sergio Osmeña II with 79,066 votes.
Pasok din sina Vicente Sotto III na may 74,440 votes, Juan Miguel Zubiri na may 66,507 votes, Joel Villanueva na may 60,585 votes, Risa Hontiveros na may 60,434 votes at Teofisto Guingona III na may 56,677 votes.
Ito ay 27.33 percent pa lang ng kabuang overseas voting na itina-transmit mula sa iba’t-ibang bansa at nakatakda pang maidagdag ditto ang mga boto mula sa 54 na mga bansa.