DSWD, suportado ang mga hakbang para mabakunahan ang mga bata vs COVID-19

By Angellic Jordan February 09, 2022 - 10:17 AM

PCOO photo

Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga hakbang ng gobyerno upang mabigyan ng proteksyon ang mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19, sa pamamagitan ng vaccination rollout.

Saad ng kagawaran, mandato nila na mabigyan ng proteksyon at maisulong ang karapatan at interes ng mga kabataan, kung saan kabilang ang pagtitiyak na sila’y ligtas laban sa anumang uri ng sakit.

Sinabi ng DSWD na magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga bata ang pagbibigay ng bakuna laban sa nakahahawang sakit.

Kasunod nito, patuloy na magsasagawa ang kagawaran ng information dissemination ukol sa mga benepisyong makukuha sa pagbabakuna sa kanilang mga programa at serbisyo.

Tiniyak ng DSWD na ang ibinibahaging impormasyon ay base sa mga pag-aaral na isinagawa ng health experts.

Samantala, nirerespeto ng kagawaran ang karapatan ng petitioner na humiling ng Temporary Restraining Order upang mahinto ang vaccination drive sa naturang age group.

“The agency leaves it to the proper judicial body to resolve the matter,” saad nito.

Iginiit muli ng DSWD na ang pagbabakuna ay hindi isang kondisyon na maaring ma-avail sa mga programa at serbisyo ng kagawaran.

Ngunit, hinihikayat nito ang mga magulang at guardian na paturukan ng COVID-19 vaccine ang kanilang mga anak para maabot ang population protection.

TAGS: COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, dswd, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, dswd, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.