Sen. Imee Marcos umapila para sa tamang medical wastes’ disposal

By Jan Escosio February 09, 2022 - 07:54 AM

Nagbabala si Senator Imee Marcos na may katapat na kaparusahan ang paglabag sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Managament Act of 2000.

Sinabi nito na ang mapapatunayang lumabag sa batas ay maaring pagmultahin ng P100,000 hanggang P1 milyon at pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon.

Ang pagpapaalala ay ginawa ni Marcos kasunod nang pagkakasakit ng COVID 19 ng walong bata sa Virac, Catanduanes matapos mapaglaruan ang mga nakakakalat na syringes, masks, antigen test kits, gayundin ng mga vials para sa ihi at dugo.

Sa pag-iimbestiga ng Municipal Environments and Natural Resources galing ang mga naturang medical wastes mula sa isang diagnostic center.

Binanggit ng senadora   kada araw, 1,000 tonelada ng medical wastes ang nahahakot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa mga ospital, laboratory at diagnostic centers.

Kayat bilin na rin niya sa pugbliko, lalo na sa mga bata, na huwag galawin at isumbong na lamang sa mga awtoridad kung may makikitang nakakalat na medical wastes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.