Presidential bid ni Sen. Manny Pacquiao inilunsad sa Gen San

By Jan Escosio February 09, 2022 - 07:52 AM

Sa General Santos City nagsimula ang mga pangarap ni Senator Manny Pacquiao para sa kanyang pamilya kayat sa lungsod din niya inilunsad ang nais niyang matupad na mga pangarap para naman sa bansa.

Sinimulan ng presidential aspirant ng PROMDI Party ang kanyang miting de avance sa isang caravan na nagsimula sa Barangay Bawing.

At sa kick off party ng kanyang presidential campaign na dinaluhan ng tinatayang 25,000, muling inilahad ni Pacquiao ang nais niyang maiangat at mapagbuti ang buhay ng mga Filipino.

Inilahad niya na ang mga prayoridad niya ay pabahay, edukasyon, tulong pangkabuhayan, maayos na sistemang pampublikong transportasyon at kalusugan.

Nangako din ito na ipapakulong ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Ibinahagi nito na nabuo naman ang kanyang pangarap na pamunuan ang bansa dahil sa labis na pagkadismaya sa mga nagdaang administrasyon.

Pinabulaanan nito na kulang pa ang kanyang mga karanasan para pamunuan ang bansa sa pangangatuwiran na naiintindihan niya ang mag dapat baguhin sa bansa dahil galing siya sa hirap.

Hindi naman nakadalo sa proclamation rally ang running mate niyang si Lito Atienza dahil sa sprained ankle, bagamat sinamahan siya ng kanyang mga senatoriables na sina Raffy Tulfo at Lutz Barbo, gayundin ng aktres na si Bianca Manalo, para naman kay reelectionist Sen. Sherwin Gatchalian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.