Prangkisa ng Dito Telecom delikado sa pagkawala ng P8-B SRO

By Jan Escosio February 09, 2022 - 07:49 AM

Pinagdududahan na kung matutupad  pa ng Dito Telecommunity na masunod pa ang kanilang rollout plan hanggang sa 2024 bunsod nang kakulangan ng mamumuhunan.

Unang kinansela ang P8 billion stock rights offering (SRO) ng Dito CME Holdingss Corp., ang majority stockholder ng Dito Telecommunitym dahilan para humingi ng tulong sa mga banyagang nagpapa-utang.

Nagbunga ito ng pagdududa sa pangako ng Dito Telecom na magagawa nitong tapatan ang ibinibigay na serbisyo ng Smart PLDT at Globe Telecom.

Nakuha ng 3rd major telco sa bansa ang kumpiyansa ng mga banyagang nagpapautang ngunit maging ito ay pinagdudahan na kinalaunan dahil sa ikinakabit ang Dito sa China.

Nalaman na bahagi ng Dito ay pag-aari ng China Telecom Corp., nap ag-aari naman ng gobyerno ng China.

Una na rin binaha ng mga reklamo ang Dito Telecom ng kanilang mga bagong subscribers dahil sa mahinang signal, mabagal na internet, hindi compatible na SIM cards sa mga cellphone at maging poor customer service.

Ngayon ay masigasig ang paghahanap ng Dito Telecom ng mauutangan dahil dito nakasalalay ang kanilang prangkisa gayundin ang inilagak nilang bilyong-bilyong pisong performance bond.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.