Hindi pag-endorso ni Pangulong Duterte ng presidential aspirant, kinumpirma ni SP Tito Sotto
Ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III na nakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte at personal na sinabi sa kanya na wala itong balak na mag-endorso ng susunod sa kanyang puwesto.
Ayon kay Sotto, ang pag-uusap nila ng Punong Ehekutibo ay sa pamamagitan ng telepono at kaharap niya ang kanyang presidential aspirant na si Sen. Panfilo Lacson, gayundin si Sen. Christopher “Bong” Go.
Diin ng vice presidential candidate na mahalaga ang basbas ni Pangulong Duterte at iginagalang naman nila ang desisyon nito na huwag mag-endorso ng kandidato sa pagka-pangulo.
Ayon pa kay Sotto, sa kanyang palagay ay hahayaan na lamang ni Pangulong Duterte na hayaan ang taumbayan na pumili ng gusto nilang susunod na mamumuno sa bansa.
Samantala, ayon kay Lacson, prerogative ng Punong Ehekutibo na walang iendorsong kandidato sa pagka-pangulo.
Aniya, ang plano nila ni Sotto ay ipaliwanag sa mga botante ang mga katangian ng mga dapat na susunod na mamumuno sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.