14,644 na bagong COVID-19 recoveries, naitala sa bansa; 3,574 naman ang bagong nagpositibo
Nasa 3,574 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (February 8), pumalo na sa 3,619,633 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 105,550 o 2.9 porsyento ang aktibong kaso.
4,059 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 96,722 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,007 ang moderate, 1,446 ang severe, habang 316 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 83 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,621 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 14,644 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,459,462 o 95.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.