Sen. Go, pinayuhan ang mga magulang na maniwala sa health experts

Sa pagsisimula ng pagpababakuna sa mga nasa edad lima hanggang 11 taong gulang, pinayuhan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga magulang na kumuha lamang ng impormasyon sa tunay na health experts at pinagkakatiwalaang medical workers.

Kasabay ito ng kanyang muling pagdidiin sa kahalagahan ng COVID-19 vaccines para protektahan maging ang mga murang edad.

Reaksyon na rin ito ng senador sa petisyon ng dalawang magulang sa isang korte sa Quezon City na ihinto ang pedia vaccination rollout.

“I respect the right of the petitioners to question before our courts the COVID 19 vaccination rollout, nasa demokrasya naman tayo,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Health.

Pagpupunto lamang din ni Go na tiwala siya na ang lahat ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno, kasama na ang vaccination rollout, ay mula sa masusing pag-aaral.

Dagdag na rin niya na ang bakuna pa rin ang nakikita niyang mabisang panlaban sa pandemya para na rin makabalik sa normal na pamumuhay ang lahat at sumigla muli ang ekonomiya.

Read more...