Bagong Henerasyon Party-list inilunsad sa QC ang reelection bid
Sa pagsabak muli sa papalapit na eleksyon sa Mayo, ipinangako ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera na ipagpapatuloy ang tunay na serbisyong publiko para umangat ang pamumuhay ng mga Filipino.
Magpapatuloy din aniya ang kanilang misyon na magsulong mga panukalang-batas sa Mababang Kapulungan para sa social services sa pamilyang Filipino, maging ang kapakanan ng mga konsyumer.
“We have done a lot, especially in the last how many years, but there’s more we can do to improve the quality of life of the people we represent,” ayon kay Herrera sa harap ng libo-libong tagasuporta na dumalo sa kanilang campaign kick-off sa Diliman, Quezon City.
Binanggit din nito na sila ang nagsilbing tulay ng libu-libong Filipino para makahingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Tiniyak pa ng second-termer partylist representative na patuloy din siyang magiging boses sa Kongreso ng mga kababaihan, kabataan at maliliit na negosyo.
“We will also continue to champion protection, efficient internet and economic recovery,” dagdag pa nito para na rin sa kanyang second nominee na si Marlon Manalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.