Naagnas na bangkay ng rebelde, nadiskubre sa Agusan del Norte
Nabungaran ng mga puwersa ng gobyerno ang isang naaagnas na bangkay, na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA), sa Jabonga, Agusan del Norte.
Base sa impormasyon mula sa Army 29th (Matatag) Battalion, kinilala ang nasawi na isang Elmer Delarmente, alyas “Ebok,” Vice Commanding Officer ng SYP 16C2 at residente ng Baragay Bolhoon sa San Miguel, Surigao del Sur.
Nakuha ang bangkay sa Barangay Maraiging matapos lusubin ng mga rebelde ang mga tauhan naman ng Critical Infrastructure and Investment Protection Security Operations.
Noong nakaraang Sabado, sumuko ang isang alyas “Dondon” at inamin na kabilang siya sa naganap na paglusob sa Barangay Maraiging at inilibing nila sa isang hukay si Delarmente.
Nanghihinayang naman si Lt. Col. Jason Saldua, commander ng 29th IB, sa buhay na nasayang dahil sa maling ideolohiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.