Campaign period para sa 2022 national elections, nagsimula na
Ilang buwan bago ang May 9, 2022 elections, umarangkada na ang kampanya ng mga kakandidato sa national positions sa iba’t ibang bahagi ng bansa, araw ng Martes.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), bubuksan ang campaign period para sa mga kakandidato sa pagka-presidente, bise presidente, senador at party-list groups sa February 8 hanggang May 7.
Maagang nagsimula ng iba’t ibang aktibidad ang mga kandidato sa bansa.
Nagkasa ng campaign kickoff sina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, kasama ang walo sa kanilang senatorial slate, sa Angat Buhay Village sa Lupi, Camarines Sur.
LOOK: Campaign Kickoff ng tandem nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Angat Buhay Village sa Lupi, Camarines Sur
Screengrab from VP Leni Robredo’s Facebook video#OurVoteOurFuture #VotePH pic.twitter.com/gN5rHUvoYw
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) February 8, 2022
Dumalo naman si Aksyon Demokratiko Presidential bet Isko Moreno Domagoso, dumalo sa isang misa sa Sto. Niño de Tondo Parish bago dumeresto sa grand motorcade sa Maynila, kasama ang running mate na si Dr. Willie Ong.
LOOK: Aksyon Demokratiko Presidential bet Isko Moreno Domagoso, dumalo sa isang misa sa Sto. Niño de Tondo Parish para sa pagsisimula ng campaign period
Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook#OurVoteOurFuture #VotePH pic.twitter.com/FVuxmoUhf4
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) February 8, 2022
Nagsagawa rin ng motorcade ang ilang personalidad na tumatakbo sa pagka-senador.
Bago umarangkada ang motorcade, dumalo rin si senatorial aspirant JV Ejercito ng misa, kasama ang kanyang pamilya at mga tagasuporta, sa Pinaglabanan Church sa San Juan City.
Bago umarangkada ang motorcade, dumalo muna si senatorial aspirant JV Ejercito ng misa, kasama ang kanyang pamilya at mga tagasuporta, sa Pinaglabanan Church sa San Juan City.
Screengrab from former Sen. JV Ejercito’s Facebook video#OurVoteOurFuture #VotePH pic.twitter.com/tU3boAnJaJ
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) February 8, 2022
Inikot naman ng motorcade ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang bahagi ng Carmona at GMA sa Cavite.
Nagkasa rin ng motorcade si senatorial candidate Guillermo Eleazar sa Carmona at GMA, Cavite
Screengrab from Gen. Guillermo Eleazar’s Facebook video#OurVoteOurFuture #VotePH pic.twitter.com/FznSHTFRup
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) February 8, 2022
Una namang binisita ni Reelectionist Sen. Joel Villanueva ang puntod ng kaniyang ina na si Adoracion at kapatid na si dating Bocaue Mayor Joni bago ang kaniyang senatorial campaign kick-off
LOOK: Reelectionist Sen. Joel Villanueva, binisita ang puntod ng kaniyang ina na si Adoracion at kapatid na si dating Bocaue Mayor Joni bago ang kaniyang senatorial campaign kick-off ngayong araw
📸: Sen. Joel Villanueva/Facebook#OurVoteOurFuture #VotePH pic.twitter.com/WaM8wR7ZfQ
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) February 8, 2022
Samantala, magsasagawa pa ng proclamation rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa, Martes ng hapon:
– Lacson-Sotto tandem – Grandstand sa Imus, Cavite
– Leody de Guzman – Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City
– Moreno-Ong tandem – Kartilya ng Katipunan sa Maynila
– BBM-Sara tandem – Philippine Arena sa Santa Maria, Bulacan
– Robredo-Pangilinan tandem – Plaza Quezon, Naga City
Samantala, magsisimula naman ang kampanya para sa local posts sa March 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.